Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nakamotor na vice mayor dedo sa salpok

0 78

Patay ang bise-alkalde ng Rosario, Agusan del Sur matapos mahagip ng elf truck ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa ng hapon sa Butuan City.

Kinilala ang biktimang si Rosario Agusan del Sur Vice Mayor Concordio “Coldo” Ocite.

Sa report ng Butuan Police, alas-4:20 ng hapon nitong Sabado nang maganap ang insidente sa Padigusan, Brgy. Sta. Cruz ng nasabing lungsod.

Binabaybay ng biktima ang naturang lugar lulan ng motorsiklo nang biglang mahagip ng trak.

Tumilapon ang biktima at sumalpok ang ulo at katawan sa sementadong kalsada.

Hindi naman nailagay sa ulat ang pagkakakilanlan ng drayber ng trak o kung ito ay nadakip o nakatakas.

Isinugod pa sa pinakamalapit na ospital ang biktima pero binawian na ito ng buhay.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa insidente. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.