Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nakarekober sa COVID nationwide lagpas 1M na

0 300

Tumuntong na sa mahigit isang milyong katao ang nakarekober sa coronavirus sa Pilipinas.

Ayon sa report ng Department of Health ngayong Biyernes, karagdagang 4,227 pasyente ang gumaling sa sakit, na nagpataas sa total recoveries sa 1,003,160 o 92.2% ng kabuuang COVID-19 tally ng bansa.

Panibagong 7,733 naman ang nagpositibo, kaya pumalo sa 66,626 ang active case nationwide o ginagamot sa ngayon laban sa virus. Sa active case, 96.3% ay mild at asymptomatic.

Nakapagtala na ang bansa ng 1,087,885 kumpirmadong COVID-19 case simula nang manalasa ang pandemya.

Ang bagong pumanaw ay 108 na kaya akyat sa 18,099 ang COVID death toll. (IS/Juliet de loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.