Abante Tonite Interactive

Nakausap ang namatay na ina

489

Napanaginipan ko si Mama. Namatay siya nitong June 18 lang. Sa panaginip ko andun kami sa bahay namin tapos andun din siya. Medyo malabo ang paningin ko kasi alam kong nanana­ginip lang ako. Nakangiti sa akin si Mama at niyakap ko siya ng dalawang beses. Tinanong pa namin siya kung may sakit pa ba siya, sabi nya wala na. Ipinagmalaki pa niyang malakas na siya. Namatay kasi ang Mama ko na maraming sakit. Biglang nag-alarm kaya nagising na ako at hindi na kami nakapag-usap pa.

May dalawang interpretasyon na puwedeng ikonek sa iyong pana­ginip. Ang una ay psychological. Ang bawat namamatayan ng mahal sa buhay ay nangangailangan ng closure at acceptance para ganap na makapag-move on sa kanilang nararamdamang pangungulila. Madalas mangyari ang ganitong uri ng panagi­nip kung saan ang nana­ginip ay nasa stage pa lamang ng pag-uum­pisa ng pangungulila, kamamatay pa lamang ng kanilang mahal sa buhay.

Ang ina ay may napakalalim ng koneksyon sa kanyang anak at ang koneksyong ito ay hindi mapuputol ng kamata­yan. Ang pagkamatay ng isang ina ay napakasa­kit sa kanyang anak lalo na kung naging maganda ang inyong relas­yon. Ang ganitong uri ng panaginip ay paraan ng iyong subconscious para ganap na magkaroon ng acceptance.

Sa iyong panaginip, tiniyak ng iyong ina na wala na siyang nararamdamang anumang sakit. Ang mensaheng ito ang gusto mong matiyak. Ipi­narating ito ng iyong subconscious sa pama­magitan ng iyong pana­ginip. Mas madali para sa iyo na ganap na matanggap ang kanyang pagkawala kung alam mong nawala na rin ang sakit na nagpahirap sa kanya noong huling mga araw niya sa mundo. Ang mensaheng ito ang tutulong sa iyo para magaan na matanggap ang kanyang pagkawala.

Related Posts

Ang ikalawang interpretasyon ay pumapasok naman sa kategroya ng ‘visitation dreams’. Ang ganitong panagi­nip ay isang paraan para magkaroon ng closure ang namatay at ang namatayan.

Sa mga pag-aaral, meron nang nagpatotoo na may mga namatay silang kaanak na nakapagparating pa ng malinaw na mensahe halimbawa ay tungkol sa isang mahalagang dokumento o kagamitan na ipinaalam sa nana­ginip kung saan naka­tago.

Kung naniniwala ka sa visitation dream, maaari mong sabihin na binisita ka ng iyong ina para ipabatid na maa­yos na ang kanyang kalagayan. At kung hindi ka naman naniniwala, magagamit mo ang psychological na interpretasyon.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating pana­ginip. Wala itong kinalaman sa relihi­yon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang pana­ginip, mag-email sa abantedreamcat­cher@gmail.com.