Abante Tonite Interactive

Nakawala sa bagsik ng digmaan

By
0 173

Nabulabog ang mga bansang kasapi ng European Union (EU) matapos bigyan ng 60-araw na taning ng Estados Unidos ang Russia kaugnay sa sandatang nukleyar.

Babala ng Washington, kakalas ito sa 1987 Intermediate Range Nuclear Force (INF) Treaty kung hindi iaatras ng Moscow ang ‘cruise missile system’.

Hiniling sa Russia at Estados Unidos ni Fede­rica Mogherini, EU Diplo­matic Chief na iligtas ang mundo sa kaguluhan.

Abante Hiring – IT dep

Panatilihin ang INF Treaty na nagbigay sa Yuropa ng kapayapaan at katatagan sa nakalipas na 30-taon.

Dahil sa ‘arms control treaty’ na nilagdaan nina dating Soviet Leader Mikhael Gorbachev at US President Ronald Reagan 1987, nalusaw ang ‘cold war’.

Umiral ang kapa­yapaan hindi lamang sa Yuropa kundi sa buong mundo.

Bago ang 1987 INF Treaty, hinog na hinog ang posibilidad ng ‘nuclear war’ sa panahong ito. Ang Yuropa ay nahati sa East at West. Ang East ay kaalyado ng dating Unyong Sobyet na ngayon ay Russia. Ang West naman ay mga bansang kaalyado ng Estados Unidos.

Ang Germany ay pinaghatian din ng Moscow at Washington hindi puwedeng tumawid basta sa ‘Checkpoint Charlie’ na nasa Berlin ng walang pahintulot o koordinasyon, kundi itutumba ng ‘sniper bullet’ na nakaposisyon sa ‘Berlin Wall’.

Related Posts

Ang Timog Sila­ngang Asya o Southeast Asia ay naging ‘teatro’ naman ng ‘proxy war’ ng Estados Unidos at ng dating Unyong Sobyet. Ang ‘biological weapon’ ay sinubukan ang katagang ‘agent-orange’ na ginamit ng Pentagon sa Vietnam.

Sa mga panahong ito ang 13th Air Force Base ng Estados Unidos ay nasa Clark Air Base sa Pampanga, samantalang ang puwersa naman ng dating Unyong Sobyet ay nasa Cam Ranh Bay, Vietnam.

Dahil sa tratadong nilagdaan nina Gorba­chev at Reagan, nabago ang ihip ng hangin, umiral ang kapayapaan. Bagama’t hindi lubusan, ang banta ng tinatawag na ‘nuclear annihilation’ ay nawala.

Ang mga bansa sa rehiyon tulad ng Vietnam, Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand kabilang na ang Pilipinas ay nakinabang sa 1987 Treaty. Nakawala sa ‘bagsik’ ng digmaan.

***
Ngayon ang multo ng ‘nuclear holocaust’ ay muling mabubuhay resulta ng banta ng Estados Unidos na kumalas sa 1987 INF Treaty.

Isa lamang ang gustong mangyari ni Uncle Sam, makagawang muli ng ‘mapaminsalang sandata’ laban sa sangkatauhan na hindi nagawa dahil sa tratado.

Sa udyok ng ‘military industrial complex’ ang mga armas na gagawin ng mga Kano ay hindi lamang para sa Yuropa na ang target ay ang Russia, kundi nakatutok din sa Asya at Pasipiko na ang target ay China.

Tama lamang ang panawagan ng European Union, iligtas ang mundo at panatilihin ang 1987 INF Treaty na gustong patayin ni Uncle Sam.