Abante Tonite Interactive

Nakayuko ang ari (2)

By
0 329

Dear Dra. Holmes: (shortened March 9 ­letter)

Sana matulungan n’yo ako. About sa ari ko, kasi nakaturo s’ya sa ibaba (since childhood). Kaya ‘pag nakikipag-sex ako sa misis ko, hirap kami pareho. May solus­yon po ba dito? – Romy

Dear Romy:

Maraming salamat sa iyong sulat na pinublish natin nang buo kahapon, Sabado, Marso 9. Doon, sinabi ko na ayon sa mga sintomas na inilarawan mo kahapon, sinabi ko sa iyo na maaaring mayroon kang chordee o Peyronie’s disease. Hindi ako manggagamot, kaya mabuti kung pumunta ka sa medical doctor kung gusto mong makasigurado, ok?

Dahil ang problema mo ay nakatutok sa sakit ng pagsiping dahil ang ari mo ay nakaturo sa baba, sinabi ko na baka makatulong ang ibang posisyong sekswal kagaya ng pagtatalik na pang-aso (doggy/doggie style) o ang reverse cowgirl style (baliktad sa ordinaryong cowgirl posisyon) na aking ilalarawan ngayon.

Ang pagtatalik na pang-aso ay kung ang babae ay nakayuko, nakadapa (crouches on hands and knees) ang lalake ay nakaluhod sa likod niya.

Ang “reverse cowgirl” posisyon naman ay kung ang babae ay nasa taas, pero hindi nakaharap sa iyo. Paborito ito ng maraming mga lalake na may Peyronie’s (na hindi masakit). Ang partner mo ang maggagabay (guide) sa iyong ari sa ari niya. Para naman sa maraming babae, gusto nila kung tinatalbog (bounce) sila habang nagsisiping sila. Mara­ming mga lalake daw ay nangangailangan ng lakas at kasanayan (stamina and practice) para rito, pero ang resulta ay napakasarap kaya sulit din.

Ayon rin sa mara­ming lalake na may mga ari na hindi tuwid ang ari, pero paturong pataas, pababa o pa­kanan o pakaliwa, itong dalawang posisyon ang pinakamaganda para sa kanila at para rin sa mga partner nila.

Romy, patawarin mo sana ako kung mali ang pagkabasa ko sa sulat mo. Patawarin mo sana ako kung mas malalim ang tinatanong mo sa akin at hindi lamang anong maa­aring solusyon para hindi masakit kung magsi­ping kayo ng misis mo. Alam mo namang puwedeng sumulat ka ulit sa akin, ‘di ba, Romy? At pumunta sa urolohista kung marami ka pang gustong malaman tungkol sa Peyronie’s o chordee?
Pero kahit papano, inaasahan ko na nakatulong ako sa iyo. Ingat—MG Holmes

***

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Tonite tuwing Sabado at Linggo. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes at panoorin siya sa “Walang Echos” sa Abante Tonite Facebook page tuwing ­Huwebes, 7 pm.