Abante Tonite Interactive

Nakayuko ang ari

WALANG ECHOS

By
0 380

Dear Dra Holmes:

Hi Doc! Sana matulungan nyo ako. About sa ari ko, kasi nakaturo sya sa ibaba (since childhood). Kaya pag nakiki­pagsex ako sa misis ko hirap kami pareho. Sinubukan ko po syang nakataas sa pants pero masakit sa may pinaka puno pag tumagal. May solusyon po ba dito? Salamat & more power. Romy

Dear Romy:

Maraming sala­mat sa iyong sulat. Tutulungan kita hanggang sa kaya ko, ok, Romy? ‘Yan ay dahil ang iyong kondisyon—na posibeng Peyronie’s disease o Chordee—ay problemang medical at, kung talagang gusto mong ganap na maayos ito (completely), kailangan pumunta ka sa isang manggagamot. Ang pinakamabisang puntahan ay isang urolohista dahil ang pagdadalubhasa nito ay ang mga bahagi ng katawan sa sistemang reproduktibo (sistemang pasuplingan). Kasama dyan ang ari ng lala­ke. Hindi nakakapatay ang chordee o Peyronie’s disease. Sa katotohanan lang, habang tumatanda ang isang lalake, marami-pero hindi lahat–ay nababawasan ng sakit.

Nasabi kong “kung talagang gusto mong ganap na maayos” dahil maraming mga lalakeng may Peyronie’s disease o chordee na hindi naman nahihirapan, kaya hindi sila kailanganang magpakonsulta.

Pero hirap kayo kapag nakikipagsex sa misis mo, so tiyak na kailangan mo ng payo. Baka sapat ang payong mabibigay ko sa iyo, Romy, pero kung hindi, sana pumunta ka sa isang urolohista, ok?

Halimbawa, kung ang problema mo lamang ay kapag kayo ay nagsisiping pero hindi sa ibang situwasyon, maaari kayong mag-experiment sa mga posisyon na hindi masakit, Romy? Ayon sa mga mayroong problema ka­tulad ng problema mo, ang pinakamabisang posisyon ay ang doggy (doggie) style (Pagtatalik na pang-aso daw ang katumbas nito sa Pilipino, kahit na hindi ko pa narinig na eto ang tawag rito.) at ang reverse cowgirl style (baliktad sa ordinaryong cowgirl posisyon) TO BE CONTINUED

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa TONITE tuwing Sabado. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes at panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite facebook tuwing Huwebes, 7 pm.