Abante Tonite Interactive

Nakikipaghiwalay si boyfriend

491

Dalawang beses ko na pong pinaginipan na may iba na raw gustong babae ang bf ko at inimbitahan pa niya ito sa bahay.

Nakita ko pang tuwang-tuwa raw ang babae. Nang kausapin ko daw ang bf ay pinapalayas na daw niya ako dahil ayaw na raw niya sa akin kaya sobrang iyak ko hanggang sa ako’y magising.

Sa pangalawang panaginip ko, sinabi raw ng bf ko sa kapatid niya na hihiwalayan na niya ako kaya sinabi naman ito sa akin ng kapatid nya.

Abante Hiring – IT dep

Nakita ko rin uli ang babaeng gusto ng bf ko kaya lalo akong naiyak. Pero isang tao raw ang lumapit sa akin at sinabing magiging okey din ang lahat.

Umalis ako at naglakad at habang naglalakad ako ay nakakita raw ako ng maraming pera pero kinuha raw sa akin ng isang lalaki kaya nalungkot na naman ako. Tapos ay nilapitan daw ako ng bf ko para sabihin na makikipaghiwalay na siya pero nag-iiyak ako at doon na ako nagising. Ano po ang kahulugan ng mga panaginip ko?
Ivy
Ang ganitong panaginip ay isa sa mga common dream ng isang taong nasa isang relasyon. Kadasalan ito’y may kinalaman sa iyong feeling ng insecurity. Kung hindi ka kuntento sa iyong relasyon, kadalasang nagkakaroon ng ganitong panaginip.

Related Posts

Ang panaginip na may iba nang mahal o nagtataksil sa iyo ang iyong karelasyon ay posibleng nag-uugat sa diskuntentong iyong nararamdaman. Kung nagkukulang ka sa atensyon, kung nakikita mong malamig ang pakikitungo ng iyong boyfriend o kung nawawalan siya ng panahon sa inyong relasyon, hindi malayong magkaroon ka ng ganitong panaginip.

Puwede rin namang walang ginagawang pagkukulang ang iyong boyfriend pero nakakaramdam ka pa rin ng takot ng isang araw ay iwan ka o ipagpalit ka niya sa iba. Kung feeling mo ay hindi ka karapat-dapat sa iyong bf at kung masyadong bumaba ang kumpiyansa mo sa sarili ay maaari ring maka-trigger ng ganitong klaseng panaginip.

Ang taong nagsabi sa iyo na magiging okey din ang lahat ay puwedeng representasyon ng iyong sarili. Kaya ang mensaheng magiging okey din ang lahat ay sa iyong sarili mismo galing, sa iyong subconsconscious.

Pero alam mo bang minsan ang mga ganitong panaginip ay posibleng nag-uugat sa kagustuhan mong kumalas sa relasyon? May pagkakataong ang isang nanaginip ang may tunay na intensyong lumayo o pumutol sa relasyon. Kung ganito ang sitwasyon mo, ang mensaheng magiging okey ang lahat ay pagkumbinsi ng isip mo.

Sa kabuuan, ang iyong panaginip ay tungkol sa emosyon. Kailangang alamin mo kung saan nanggagaling ito dahil ikaw lamang ang makakasagot kung ano ang tunay mong nararamdaman para sa iyong boyfriend.
Dream Catcher
***
DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.