Abante Tonite Interactive

Nakinabang siya ng cash sa amin!

974

Ex Battalion kay Ai Ai:

Ipinaliwanag ni Flow G, isa sa member ng Ex Battalion, na walang katotohanan na ang lyrics ng latest single nila titled “Pakinabang” ay patama sa dati nilang manager na si Ai Ai delas Alas.

“Patama ba ‘yun? Wala naman kaming binanggit na pangalan sa kanta. So ibig sabihin wala kaming pinapatamaan. Hindi naman kami gagawa ng lyrics specific para sa isang tao lang,” sabi ni Flow G sa intimate event ng Frontrow family.

Dagdag niya, “Actually kaya ‘Pakinabang’ kasi uso ngayon ‘yan eh, lalo na ‘pag meron ka. Marami kang kaibigan kapag may pakinabang sa ‘yo pero ‘pag wala na kokonti na ang nga kaibigan ko, lalayuan ka na. In general ‘yung lyrics ng kanta. Patama ‘yun sa lahat.”

Pero sa tingin ba niya nakinabang sa kanila si Ai?

“Both sides naman ay nakinabang. Nakinabang kami ng cash sa kanya, nakinabang din naman siya ng cash sa amin. Pero sana huwag na nating pag-usapan ‘yan, tapos na naman ‘yan,” pagtatapos ni Flow G.