Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nakipagbarilan sa checkpoint, bumulagta

0 45

Nasawi ang isang lalaki nang makipagbarilan sa mga sundalo sa checkpoint sa Tawi-Tawi.

Sinabi ni WestMinCom Commander, Maj. Gen. Alfredo Rosario, Jr. na nangyari ang insidente kamakailan.

“Based on the report, Samsuddin Sangkahan, aka Sonny Boy, was neutralized by personnel of the Marine Battalion Landing Team-12 and Sitangkai Municipal Police Station,” ani Rosario.

Giniit naman ni Col. Romeo Racadio, commander ng Joint Task Force Tawi-Tawi, na nagtangka umanong umiwas sa pag-aresto ang suspek at nakipagbarilan umano sa tropa ng pamahalaan.

“A brief exchange of fire ensued, yielding to the neutralization of Sangkahan.”

Nakuha ng mga sundalo ang cal. 45 pistol, isang magazine, tatlong live ammunition at dalawang empty shells ng cal. 45. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.