Abante Tonite Interactive

Nakipagbarilang tulak todas sa parak

By
227

Patay ang isang 25-anyos na umano’y tulak ng ipinagbabawal na droga matapos umanong makipagbarilan sa mga operatiba ng Manila Police District-Station 9 na nagsagawa ng buy-bust operation kahapon ng hapon sa Malate, Maynila.

Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Bernie Obena Javier, taga-2266 Interior 8. Kasaganahan St., Leveriza, Malate.

Sa inisyal na imbestigasyon ng MPD-PS9, nagkasa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Team sa pangunguna ni Senior Insp. Edwin Fuggan alas-12:25 ng hapon kahapon.

Isa sa operatiba ang nagpanggap na buyer at nang makabili ng shabu ay binigyan ng signal ang mga kasamahang operatiba.

Nakahalata umano ang suspek nang maglapitan ang operatiba kaya agad na bumunot ng baril na nauwi sa palitan ng putok.

Nang bumagsak ang suspek ay natigil na ang putukan. Isinugod pa ito sa pagamutan pero ‘di na umabot nang buhay.