Abante Tonite Interactive

Nakipagbati sa kaaway, mag-erpat sinamurai

296

Sugatan ang mag-ama nang pagtatagain ng sa­murai ng kanilang kapitbahay nang puntahan siya sa kanyang bahay upang makipag-ayos sa matagal na nilang alitan sa Dasmariñas City, Cavite.

Ginagamot ngayon sa Pagamutan ng Dasmariñas ang mag-amang Eduardo Maliksi, 52, at anak nitong si Kim Roun, 25, may-asawa, driver, kapwa residente ng Brgy. Paliparan 1, Dasmariñas City, Cavite matapos na pagtatagain ng suspek na si Michael Gunda, 35, may live-in partner, taga
-Island Park Excess Lot, Brgy. Paliparan 1, Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat ni P/SSgt. Richard­ Domingo, ng Bacoor City Police Station, alas-12:40 kamakalawa ng hapon nang magtungo ang mag-ama sa bahay ng suspek upang makipag-ayos sa matagal na nilang alitang magkapitbahay.

Gayunman, imbes na magkaayos ay sinalubong sila ng suspek ng samurai at tinaga ang matandang Maliksi sa panga habang ang anak nito ay tinamaan sa tuhod. (Gene Adsuara)