Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nakipagpatintero sa multo

0 61

Mga ka-Misteryo parang comedy na horror itong karanasan ni Bimbo ng Marikina nang makipagpatintero siya sa multo.

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Si Bimbo ay call center agent sa Pasig at tiyempong inabot siya ng hatinggabi.

Misteryo: “Paano yung sinasabi mong nakipagpatintero ka sa multo. Nakakakita ka ba ng mga multo?”

Bimbo: “Yes pero hindi naman madalas makakita ng multo kadalasan nararamdaman ko sila. Pababa na ko noon sa building from 21st floor kaya hintay muna ako sa elevator.”

Misteryo: “Patintero paano yun nakipag-hide and seek ka ba? O may iniwasan ka pero hinabol ka?”

Bimbo: “Ayun tama iniwasan ko pero hinabol ako.”

Misteryo: “Pakikuwento mo nga sa akin yung experience mo?”

Bimbo: “So pababa na ako naghintay ako ng elevator then few minutes may nagbukas sumilip muna ako. Walang tao pero may multo nakatayo sa gilid, lalaki. Kaya hindi ako sumakay. Pinalagpas ko.”

Misteryo: “Buti nakita mo yung lalaking multo. Natakot ka ba?”

Bimbo: “Hindi na ako natatakot kasi sanay na din ako sa kanila. Umiiwas lang ako kasi ayaw ko na may katabing multo, makulit kasi mga yan.”

Misteryo: “So anong ginawa mo? Naghihtay ka uli ng elevator?”

Bimbo: “Yes naghintay uli ako then yun kabilang elevator naman nagbukas. Sumilip ako walang tao at walang multo.”

Misteryo: “So sumakay ka na? 21st floor ka pa galing mahaba-habang biyahe pababa yan.”

Bimbo: “Yes pero mas mabilis kasi wala naman ng tao dahil sa pandemic.”

Misteryo: “Anong nangyari habang pababa ka na sakay ng elevator?”

Bimbo: “Heto ang scary para lang siyang movie. Biglang may gumalaw sa tabi ko pero teka di ba dapat nag-iisa lang ako. Yung paggalaw na yun bigla niya ako hinawakan.”

Misteryo: “Nagulat ka? Natakot ka?”

Bimbo: “Nagulat lang at nainis pa nga ako eh. Sinabihan ko pa siya wag ako hahawakan. Pero hindi siya nakinig. Nakahawak pa rin. Kaya I decided lumabas muna ng elevator sa 10th floor.”

Misteryo:” Pinalagpas muna siya right then ano ang nangyari?”

Bimbo: “Paglabas ko ng elevator hindi ko namalayan sumama siya sa akin. Kaya ayun naglakad ako papuntang hagdan pero sinundan ako kaya takbo ako para mailigaw siya hanggang sa 8th floor nagdecide ako sumakay sa elevator pagbukas ng elevator andun siya.”

Para sa inyong mga karanasan mag-email sa Misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.