Nakipiyesta, bagets sinakyod

Nasawi ang isang binatilyong dumalo sa isang pistahan makaraang saksakin ng grupo ng kabataan sa bayan ng Santa Barbara, Iloilo.
Sa report, sinasabing dumalo sa pista sa bayan ang 16-anyos na biktima nang mangyari ang insidente.

Nahuli naman ng mga pulis ang mga suspek kung saan isa sa mga ito ay menor de edad kaya itinurn-over sa Department of Social Welfare and Development. (Kiko Cueto)