Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nakisawsaw sa LQ, sinakyod sa dibdib

0 87

Sa ospital ang bagsak ng isang driver matapos itong pagsasaksakin makaraang pumagitna sa away ng mag-asawa sa Kawit, Cavite.

Ginagamot ngayon sa Las Pinas District Hospital si Rodel Rodica, 38, ng Bgry Aplaya, Kawit, Cavite dahil sa tinamong saksak sa dibdib at mukha mula sa suspek na si Arnold Godio, 46, may live-in partner, ng Kawit, Cavite.

Sa ulat ni PCMSgt Roldan Requioma, ng Kawit Municipal Police Station, alas-8:00 Sabado ng gabi nang naganap ang insidente.

Nagtatalo ang nakainom na suspek at live-in partner nito na si Girlie Bulan sa Covelandia, sakop ng Brgy. Aplaya ng naturang bayan.

Palabas naman sa iskinita ang biktima na pinaniniwalaang galing din sa inuman at napansin ang pagtatalo ng dalawa kaya nilapitan nito at tinangkang awatin pero hindi nagustuhan ni Godio ang pakikialam ng biktima kaya sinaksak ang biktima.

Agad namang nagpasaklolo si Girlie na ikinaaresto ng kanyang live-in partner habang ang biktima ay isinugod sa ospital. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.