Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nakonsensya! Sangkot sa Caloocan massacre sumuko

0 103

Isa pang suspek sa pagpatay sa dalawang nursing graduate at isang estudyante Caloocan City, ang sumuko sa mga awtoridad.

Kinilala ang suspek na si Ronald Cajepe, 38-anyos, construction worker na kusang sumuko kay PMaj. Sandie Caparroso, Deputy Station Commander ng PS 6 kahapon.

Inamin ni Cajepe na sangkot siya sa pagpatay kina Arjay Belencio, 22, student; Glydyl Belonio, 23, at Mona Ismael Habibolla, 22-anyos, nursing graduate, mga residente ng Brgy. 179 Amparo Subd., na natagpuang patay nitong September 26.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakukonsensya umano si Cajepe sa sinapit ng mga biktima kaya kusang sumuko sa tulong ng kapatid. Pag-amin niya, “Akala ko ay magnanakaw lang kami ng mga kasamahan ko pero dahil nakilala sila ng mga biktima ay pinatay nila yung tatlo.”

Matatandaang una nang sumuko si Anselmo Singkol, 37, construction worker at tubong Samar habang nadakip din ang mga kapatid ni Anselmo na sina Alden at Adonis na kapwa persons of interest sa krimen.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong murder. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.