Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nakubra sa 4Ps pinuhunan sa pagtutulak ni misis

0 1,013

Sampung drug suspect na kinabibilangan ng isang 54-anyos na misis na 4Ps benificiaries at kanyang anak na babae na ginamit ang perang nakuha sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program para mamuhunan sa pagtutulak ng shabu ang nakorner sa buy-bust operation sa Barangay Banga 1st, Plaridel, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Base sa report kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nakilala ang mga naarestong sina Lorna Fernandez y Lopez, 54-anyos at anak nitong si Lyka Fernandez, 35, kapwa residente sa Barangay Banga 1st,Plaridel.

Nakorner din ang walo pang suspek sa bayan ng Angat,Norzagaray,Malolos City at San Miguel at nakilalang sina Jomar Aparento y Sabino, 36; Bryan Joseph Santos y Secrez, 28;Richwinch Gabriel y Abordo,25; Dunhill Rubio y Mananghaya, 30; Lovely Rose Rubio, 31; Roberto Paraon, 30; Victor Pagapulan, 41-anyos at Rochel Crisostomo, 37-anyos.

Nabatid kay P/Lt.Col. Victorino Valdez, Chief of police ng Plaridel Municipal Police Station na dakong alas 6:00 ng hapon nitong huwebes nang magkasa ng anti-illegal drug operation ang Station Drug Enforcement Unit(SDEU)sa Barangay Banga 1st ng nasabing bayan matapos makatanggap ng impormasyon na nagtutulak ng droga sa lugar ang mag-inang Fernandez.

Hindi na nakapalag ang ginang na si Fernandez(Lorna) at kanyang anak na si Lyka matapos kumagat sa buy-bust operation ng SDEU ng Plaridel police at makumpiska sa kanila ang mahigit 30 pakete ng shabu at buy-bust money at nakumpirma mismo sa mother leader sa lugar na katatanggap lamang sa 4Ps ng ginang at ito ay lumilitaw na ginamit pamuhunan sa pagtutulak ng droga at makakasama na nila ang mister ng suspek na nakakulong din matapos makorner sa kasong may kinalaman sa droga kamakailan. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.