Abante Tonite Interactive

Nalagasan ng ngipin

871

Nanaginip akong bigla na lamang nabunot ang isang ngipin ko at pagha­wak ko sa isang ngipin­, muli itong nabunot at sa panaginip ko ay alam kong mabubunot din ang iba ko pang ngipin kapag hinawakan ko. Natatakot ako dahil sabi ng iba, nanga­ngahulugan itong may mawawala sa aking mga mahal sa buhay…

Sa lumang paniniwala, ikinokonekta ang panaginip na nalalagas o nabubunot ang ngipin sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay. Sinasabi pa nga ng mga matatanda na ikagat daw sa kahoy ang ngipin mo pag nagising ka para makontra ang iyong masamang panaginip.

Ngunit ang paniniwalang ito’y sinauna lamang. Dahil ayon sa mga psychologists, wala namang koneksyon sa kamatayan ang pagkalagas ng ngipin sa panaginip.

Sa halip, lumabas sa mga pag-aaral na ang pa­naginip na nalalagas ang ngipin ay karaniwan lamang panaginip ng isang lumalaking bata gayundin ng isang babaeng pumapasok na sa menopausa­l stage.

Ang ngipin ay ipinangkakagat, ginagamit sa pagnguya kaya simbolo ito ng power, ng iyong lakas. Ang pagkalagas nito sa iyong panaginip ay posibleng nag-uugat sa iyong takot na mawalan ng power, maaaring sa iyong trabaho, sa isang relasyon kung saan nararamdaman mong naisasantabi ka na at hindi na masyadong pinapa­kinggan.

Maaaring nakakaramdam ka ng inferiority at nababawasan ang tiwala sa iyong sarili. Ang pana­ginip mo ay maaaring indikasyon na kailangan mong muling maging assertive at iparamdam sa mga tao sa iyong paligid na hindi ka pumapayag na mabalewala.

Related Posts

Naniniwala rin ang mga eksperto na ang pa­naginip na tungkol sa ngipin ay simbolo rin ng isang biglang pagbabago na pumasok o nararamdaman mong papasok na sa buhay mo. Ikinokonekt­a ito sa mga mahalagang pagbabagong pinagdaa­nan mo o maaaring pag­daanan mo pa lamang.

Puwede rin itong ipaka­hulugan na isang paalala para pag-arala­n ang isang desisyong binitiwan.

Kahit pangkaraniwang itinuturing na may nega­tibong implikasyon ang managinip nang nalala­gas ang ngipin, ito’y may aktuwal na positibong kahulugan.

Maaaring ina­alerto ka lamang ng isip mo sa isang malaking pagbabago na  may kina­laman sa iyong inaambisyon o hinahangad.

Kaya sa halip na katakutan ang iyong panaginip, tingnan ito sa positibong anggul­o at isang paalala para paghandaan ang isang magaganap.

***

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng ge­neral information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, sumulat sa dreamcat­cher@abante-tonite.com.