Abante Tonite Interactive

Nalalagas na ngipin

207

Dear Dream Catcher:
Napanaginipan kong kumakain daw ako ng bayabas nang biglang matanggal ang isang ngi­pin ko. At habang kinakapa ko ang mga ngipin ko isa-isa na raw itong natatanggal as in bawat hawakan ko ay natatanggal. Sob­rang natakot ako pero dun na ako nagising. Totoo po ba na ang ibig sabihin ng nalalagas na ngipin sa panaginip ay may mamamatay akong mahal sa buhay?
Erik

Dear Erik:
Sa mga sinaunang paniniwala, bad omen ang pagkala­gas ng ngipin sa panaginip. May ibang naniniwalang indikasyon ito ng malalang sakit at maaaring kamatayan. Ang ganitong panaginip gayundin ang pagkabulok ng ngipin, pagpapabunot ng ngipin at iba pang panaginip na may kina­laman sa ngipin ay isa sa mga common dreams. At sa dami ng mga nanaginip ng paglalagas ng ngipin, walang basehan na ikonek ito sa kamatayan.
Meron ding mga lumang paniniwala na ang pagkalagas ng ngipin ay sumisimbolo sa pagtatraydor, na merong taong malapit sa iyo na sumisira o maaaring nagsisinungaling sa iyo.
Taliwas sa mga paniniwalang ito, naniniwala naman ang mga eksperto na ang pagkalagas ng ngipin sa panaginip ay kadalasang resulta ng pagngangalit ng ngipin (grinding teeth) habang ang isang tao ay natutulog. At madalas din na indikasyon ito ng mataas na stress level.
Ang isa-isang pagkabunot ng ngipin mo ay indikasyon ng mga pagbabagong parating o inaasahan mong darating.
Ang iyong panaginip ay maaari ring paalala ng iyong subconscious na nawawalan ka ng kontrol sa anumang sitwasyon na nagdudulot ng stress sa buhay mo. Kung may ganitong nangyayari sa iyong buhay, kailangan mong gumawa ng aksiyon para mabawasan ang stress na ito.
Alisin ang anumang takot, ang iyong panaginip ay hindi isang pangitain. Alalahanin din na ang buhay natin at ng mga tao sa paligid natin ay hindi natin hawak at lahat tayo’y ha­hantong sa kamatayan. Manatiling positibo at magpakatatag sa bawat stress.
Dream Catcher
***
DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng gene­ral information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispi­ritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang pana­ginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.