Abante Tonite Interactive

NALIGO SA DUGO

By
Direk Erik Matti at mga bida sa SEKLUSYON
16

WALANG tapon ang ­apat na hombrelicious na gumaganap bilang deacons sa Seklusyon, ang natatanging horror ­movie ngayong MMFF 2016.

Ang mga binatang kaysasarap na sina Ronnie Alonte, Dominic Roque, John Vic de Guzman at JR Versales, papatayin tayo sa sindak, at pwede rin siguro sa nakakapasong init.

Kung bet mo ‘yung mga lalaking parang ­kanto boy umasta at magsalita, at sanay na maki­pagharutan sa mga diwata at sirena, mamahalin mo si Ronnie Alonte.

Maigting ang ­arousal at curiosity factor kay Alonte dahil may jack off photo at video na itinuturong siya ang bida.

Itinanggi na niya ito although lalong naging yummylicious ang bruho dahil sa kanyang statement delivered with so much insouciance na kesyo bigger and better ang phallus niya.

Miguel siya sa pelikula, na ayon kay ­Ronnie ay, “Ako po ‘yung pinakamabait sa aming lahat. ­Sinusunod ko lahat ng mga patakaran na itinakda ng simbahan.

“At dahil ako ang good boy sa lahat sa amin, ako po ‘yung mas dinedemonyo nang husto.”

Ano kayang klaseng kamunduhan ang pinagdaanan o iwinaksi ­niya ­bilang Miguel ­kaya ganu’n na lang ang ­panunukso sa kanya?

Kwento pa ni Alonte, “May eksenang ­naliligo ako sa dugo at hirap na ­hirap ako sa scene na ­takbo ako nang takbo sa gitna ng gubat.”

***

Si Dominic Roque, gagampanan ang karak­ter na Fabian. ­Mapa­ngahas si Roque sa ­pelikula. May ­cinematic ­kuyangyangan sila ni Phoebe Walker.

Pahayag ni Roque, “I have butt exposure here pero sa international cut lang daw po ipapakita and not sa local version.

“It’s my first time to do such a scene and I trusted Direk Erik na hindi niya ako pababayaan.”

***

Kung bet n’yo ang mga probinsyanong ­guaping, go for gold kayo kay JR Versales.
Ang nakakatuwa kay Versales, wala na siyang regional accent pag nagsasalita.

Related Posts

Tulad ni JohnVic, proud ang Masbatenyo na mapabilang siya sa pelikula.

Siya si Carlo, “Ako po ‘yung pinakamatakaw na diyakono. Noong una, ­sobrang kaba ko, buti matiyaga sa’kin si Direk Erik (Matti).

“Kasi kung minsan, lumalabas ‘yung Visayan accent ko.”

***

Ang pinaka-bet ng diva­ that you love sa mga diyakono, si John Vic de Guzman.
Kasi naman, katangkaran, 6’2”, ang shoe size eh 12”!

Ang imahinasyon ko, ayaw paawat!

Siya si Marco, ang diyakonong may mga lihim na pilit itinatago. Chika ni JohnVic, “Masaya ako na bilang baguhan, Direk Erik trusted with me with the role.

“Syempre, we all know na mahusay siyang direktor at talagang he was ­patient with us.

“Nu’ng nag-wo-workshop kami, ang gusto niyang ma-develop, ‘yung maging magkakaibigan kaming apat para it will translate in the movie.

“As a newcomer, para akong sponge, absorbing all his instructions, and of course, I learn from ­observation as well.”

What’s his most difficult scene in the movie?

“I have to express my feelings without saying anything, sa mata lang. Ang hirap nu’n.
“Yung natatakot ako’t naiiyak ako.”

***

Ano kaya ang magi­ging reaksyon ng simbahang Katolika ‘pag napanood nila ang Seklusyon?

May pastoral statement kaya silang ilalabas lalo na’t sa trailer nito, may mga eksenang may nabubuhay na mga ­santo, ang mahiwagang pag­galing ng may sakit, ang supposedly place of protection and solace eh ­siya pang pinangyarihan ng mga mga tukso at kahindik-hindik na kaganapan?