Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Naligo sa suntok, trabahador dedbol

0 135

Patay ang isang 46-anyos na laborer matapos maligo ng suntok ng kanyang kainuman na hinamon ng away sa Barangay San Lorenzo, Mauban Quezon Lunes ng madaling araw.

Idineklarang dead on arrival sa Mauban district hospital si Walter Abo Visco, na nagtamo ng mga bugbog sa ulo at katawan.

Naaresto naman ang construction worker na suspek na si Eddie Boy Andaya Peñaranda, taga-kalapit na barangay ng Balay-Balay.

SM food to go Banner Ad

Sa report ng Mauban police, Linggo pa ng gabi nagsimulang mag-inuman ang grupo kasama ng suspek at ang biktima sa bahay ng isa nilang kaibigan.

Alas-3:30 na ng madaling araw, sa sobrang kalasingan ay naghamunan ng suntukan ang dalawa na kapwa lumabas ng bahay.

Nanaig si Peñaranda hanggang sa ma-knock out ang biktima na hindi na nagkamalay. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.