Abante Tonite Interactive

Nalihis na pondo ng NFA umabot sa ₱6.12B

By
183

Mahigit sa P6.12 bil­yong pondo ng Natio­nal Food Authority (NFA) ang na-divert o nalihis para sa kasalukuyang taon.

Ito ang inamin kahapon ni NFA administrator Jason Aquino nang sumalang kahapon sa deliberasyon ng pondo ng ahensiya sa House appropriations committee.

Dismayado naman ang chairman ng natu­rang komite na si Davao City Rep. Karlo Nograles sa diskarteng ito ng NFA.

Aniya, hindi tama ang ginagawa ng NFA at puwedeng gayahin ito ng ibang tanggapan.

“Kung ginagawa ng NFA ‘yan, nothing will stop other agencies and departments from also diverting their funds elsewhere in a complete disregard of the law that was passed by this Congress called the General Appropriations Law,” sabi ni Nograles.

Inihayag ni Nograles na para sa 2019 ay target pa rin na paglaa­nan ng P7 bilyon ang buffer stock subsidy ng NFA.