Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nalipasan ng gutom, Mister minartilyo misis

0 52

Matapos magpagutom ng limang araw, walang habas na lang na minartilyo ng isang mister ang kanyang misis pagkagising sa Kabankalan City, Negros Occidental.

Ayon sa ulat, pinagpapalo ng martilyo hanggang sa mapatay ng suspek na si Saler Laurente, 44, ang asawa nitong si Delbeth Laurente, 40, noong Pebrero 16.

Bago umamin sa krimen, limang araw umanong hindi kumakain ang suspek.

Sabi ng Kabankalan City Police Station, natutulog ang mag-asawa sa kanilang bahay nang gumising ang suspek at ginawa ang karumal-dumal na krimen.

SM food to go Banner Ad

Agad tumakas si Saler at isinama ang limang anak patungo sa bahay ng kanyang kapatid at kalaunan ay inako na siya ang pumatay sa kabiyak.

Madalas na raw sinasaktan ni Saler si Delbeth at inaakusahang may kalaguyo.

Nakakulong na ang suspek at nahaharap sa kasong parricide. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.