Abante Tonite Interactive

Naloko sa alok na lifetime internet

382

Kaye Dacer

Magandang araw sa lahat at magbabakasyon na kaya tiyak marami ang abala.

Ang iba naman ay magkukulong na lang sa bahay para magbabad sa internet.

Ang ating tatalakayin ngayong araw ay may kaugnayan sa internet.

May letter sender tayo at problemado sa kanilang koneksyon sa internet.

Mga subscriber sila ng isang kilalang network provider kung saan sila nagpakabit ng 1mbps na speed service ng internet at may binabayarang humigit kumulang na P1,000 kada buwan.

Palibhasa eh may online store ang isa sa ating mga complainant kaya nababagalan pa daw siya sa bilis ng internet nila kaya binalak niya daw magpa-upgrade ng speed ng hanggang sa nag-request siya at tumawag sa ahente ng network provider.

May nagpuntang ahente sa kanyang bahay at inalok siya nito ng one-time payment para sa mas mataas at mabilis na serbisyo ng internet at wala na daw siyang babayaran pa na monthly at siya na daw ang bahalang mag-maintain ng kanyang internet.

Wala daw putol ang kanyang internet lifetime.

‘Wag lamang daw maingay sa iba at ‘wag daw papa-check ito sa kompanya. Sa kagustuhan na makatipid at maging mabilis ang kanyang internet nagbigay ito ng one time payment na six thousand. Ilang buwan din niyang na enjoy ang bilis ng kanyang internet na walang binabayarang monthly sa kompanya kung saan siya naka-connect ng internet. Hanggang sa unti-unti itong bumagal at tulu­yang nawala.

Tinawagan niya ang nasabing ahente at nagpakita muli sa kanya at may siningil na offer naman na mas mabilis daw na speed ng internet na nagkakahalaga ito ng P8,000 naman.

Umabot sa almost P50,000 ang nakuha ng nasabing ahente kasama na ang iba pa niyang mga negosyo na pinakabitan niya din ng matataas at mabibilis daw na speed ng internet hanggang sa halos sabay-sabay ding nawala ang mga koneksyon at serbisyo.

Sinubukan niyang tawagan ang nasabing ahente ngunit ito ay ‘di na sumasagot sa kanyang mga tawag o text.

Isang email din na halos ganu’n din ang nangyari kung saan naman isang cable company agent ang nag-alok ng one-time payment for a lifetime cable service na nagkakahalaga naman ng P10,000.

Pareho din ang siste ilang buwan ang lilipas na punong-puno ng c­ha­nnels ang cable at pa­wang lahat ay malilinaw pa hanggang sa unti-unting maglaho ang mga channels pati signal ng nasabing koneksyon. Pinayuhan natin ang mga complainant at tinuro sa kanila ang mga taong dapat nilang lapitan at pagsumbungan.

Mag-ingat sa mga mag-aalok sa inyo ng mga ganitong serbisyo na ‘yung iba ay talagang lehitimong empleyado pa ng mga service provider companies.
Sa kagustuhang makatipid mas malaki pa ang nawala sa kanila na bukod sa pera ay pati ang serbisyo ng kanilang mga internet at telebisyon.