Abante Tonite Interactive

Naloko sa binayarang tax

By
641

Dear Atty. Claire,

OFW po ako here in KSA at may gusto lang po ihingi ng legal advice.

Bumili po ako ng bahay sa isang developer sa Quezon province.Hindi po naka-disclose kung bakit P78K binayaran ko tax & Fees.

Nais ko sanang humi­ngi ng breakdown. May rights po ako na hingin ito? Ito po ang exact email sa akin.

“In line to your request po, I already coordinated this with our management and as per advised po, it is an SOP of our company not to issue breakdown of all taxes and fees expenses to our clients­. And it is properly indicated also in our contract that you are obliged to pay taxes and fees together with the principal amount based on our selling price.

Pangalawa: We have a difference amount 43K from pag-ibig approved loan amount.

Need ko pa na fully paid prior ng unit turnover? We already paid P139K.

With best regards,
Efren

Efren,
Medyo hindi maganda ang tono ng message ng ahente ng developer na sinasabi mo. Unang-una ay pera ang pinag-uusapan natin dito at dapat lamang na ipabatid sa iyo kung saan mapupunta ang pera na iyong ibinabayad sa kanila.

Kung may isa kang representative na maaaring makipag-uganayan ng diretso sa developer ay mas mainam na kausapin ang staff ng deve­loper kaysa sa ahente. Hindi ako naniniwala na may SOP na bawal magbigay ng breakdown sa mga pagkakagastusan mo. Kapag ganyang klase ng tao ang kausap mo ay mapapansin mo na hindi sila honest… at iyan ang pinakamali sa isang transaksyon. Huwag kang umasa masyado sa ahente mo (hindi ko sinasabi na hindi honest ang lahat ng ahente) at makipag-ugnayan ng diretso sa developer at humingi ng resibo sa lahat ng babayaran mo.

Sa panagalawang issue mo ay magkakaroon lamang ng turn over kapag nabayaran mo ang napagkasunduan. Kadalasan ay 30% ang hinihingi ng developer para mai-turn over sa iyo. Ngunit kapag na isalin na ‘yan sa pangalan mo at nasa Pag-IBIG na ang titulo dahil na approve na ng loan mo ay dapat na ma i-turn over na sa inyo dahil fully paid na ang developer ng Pag-IBIG at sa Pag-IBIG ka na lamang magbabayad.

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com