Abante Tonite Interactive

Nam Bo Ra emosyonal sa suicide ng kapatid

By
353

After three years, sa unang pagkakataon ay binasag na ng South Korean actress na si Nam Bo Ra ang katahimikan. Ito’y tungkol sa kamatayan ng kanyang nakababatang kapatid na lalaki may tatlong taon na ang nakararaan.

Nangyari ito sa guesting niya sa JTBC4’s “Secret Sister” kasama si Hwangbo habang nakahiga sila sa bed at nag-uusap.

First time mag-open up ni Bo Ra tungkol dito. Hindi pa rin nito napigilang maging emosyonal sa sinapit ng kapatid.

“When my younger brother died. Suddenly,” ang biglang naging pahayag ni Bo Ra nang mapunta sa topic na “difficult time” sa buhay nila ang usapan.

Ayon pa rito bilang pagre-recall, “He said he was going out to meet a friend, but after that we couldn’t get a hold of him for two days.

You know when you suddenly get a terrible feeling? It was like that. There was a police station right in front of our house so I went.

On the way, I fell four times. I couldn’t walk, and I couldn’t breathe. Crying, I said I had to talk to the person in charge, but all they said was, ‘It’s a celebrity’.

“I wasn’t in my right mind, but I wiped my tears. I thought if I didn’t pull it together, I wouldn’t be able to find my brother. We found him the next day, but it was too late.”

Nai-report ang pangyayaring ito noong 2015 pero without any details. Kinumpirma ito ng kanyang label na may “unfortunate” na nangyari sa nakababatang ka­patid ni Nam Bo Ra pero mahirap daw para sa kanilang idetalye pa. Si Nam Bo Ra ay pa­ngalawa sa walong magkakapatid.
Noong time na lumabas ang balitang namatay ang kapatid nito dahil sa suicide, ang mas nakababata pa nilang kapatid ay wala pang ideya sa sinapit ng kanilang “oppa”.

Si Nam Bo Ra ay napanood sa mga K-drama tulad ng “Moon Embracing the Sun”, at last year sa “Lovers in Bloom”.