Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nam Yoon Soo nalaos kay Cha Eun Woo

0 316

May naging rebelasyon ang dating model turned actor na si Nam Yoon Soo. Siya ay nakilala nang maging bida sa Netflix’s “Extracurricular.”

Naging guest siya sa MBC’s Radio Star at dito naganap ang naging rebelasyon niya. Nangyari raw ito noong high school siya.

Ayon kay Yoon Soo, noong first year high school siya hanggang second year, masasabi raw niya na isa siya sa sa mga popular student ng high school nila.

Hindi naman nakapagtataka with his 6 feet & 1 inches height at good looks na maging popular nga siya sa high school nila, lalo na raw sa mga girl. Pero, nagbago raw lahat yun nu’ng third year na siya.

At ang sinisisi ni Yoon Soo na dahilan, nang mag-aral daw sa school nila ang miyembro ng Astro na si Cha Eun Woo.

Pag-amin ni Yoon Soo, napunta raw sa itinuturing na best visual among idols na si Cha Eun Woo ang mga “follower” niya.

Lahad nito, “Back in school, I was pretty popular. When I walked down the stairs in second year of high school, all the girls would look at me and say hi. My crazy popularity ended in my third year of high school. Because Cha Eunwoo transferred to my school. At school, it became Nam Yoon Soo’s group and Cha Eunwoo’s group. But even when I looked at Cha Eunwoo, he actually shined.”

Inamin din ng aktor na humahanga rin siya sa gandang lalaki ng naging karibal niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.