Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Namakyaw ng pasahero, Metrolink bus sinampolan

0 402

Pinagmulta ng P462,000 ang isang bus company matapos malaman ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na puno ng pasahero ang kanilang pampasaherong bus, na mahigpit na pinagbabawal sa COVID-19 pandemic.

Sa tweet ni Gatchalian, binahagi nito ang naging kasunduan nila ng may-ari ng Metrolink, kung saan kasama dito ang multa at parusa sa kanilang driver at konduktor.

“They will sanction their drivers and conductors. They will remove extra seats in order to fully comply with social distancing at all times….They got a warning from me… They will pay 462,000 worth of fines,” saad ng alkalde.

Inatasan na rin ng alkalde na pumunta sa Valenzuela City Hall ang driver dahil sa pagpuno ng bus na dumaan sa Dalandanan, Valenzuela noong Sabado.

“Driver of this bus does not appear in my office Monday by 12noon…i will personally make sure that all your buses: (A.) Are barred from entering the city (B.) If you do, we will stop you and impound your buses,” wika ni Gatchalian. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.