Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Namamagang bangkay iniluwa ng creek

0 135

Iniluwa sa Buhangin creek ang bangkay ng isang di nakikilalang lalaki kahapon ng umaga sa may New Panaderos St., Sta Ana, Maynila.

Inilarawan ni PCpl Leonides Briones, ng Manila Police District – Homicide Section ang biktima na may taas 5’5, medium built, maiksi ang buhok, nakaitim na short pants at itim na t-shirt.

Ayon kay Roberto Mara, 50, environmental aid ng DENR, alas- 8:38 ng umaga habang kasama niya ang kapwa niya manggagawa na naglilinis sa Buhangin creek nang mamataan ang bangkay sa ilalim na kahoy na barge.

Nang maialis sa ilalim, napansin niya na namamaga na ang bangkay kaya itinawag sa Punta Police Community Precint.

Dinala ang bangkay sa Cruz Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.