Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Namaril sa PMA pumanaw na

0 135

Nasawi na ang military personnel na namaril sa loob ng barracks ng Philippine Military Academy (PMA) nitong Martes na nagresulta sa pagkamatay ng isang sundalo.

Sa report na nakarating sa militar, namatay na sa ospital dahil sa tama ng bala ang suspek. Nauna nang sinabi ng mga imbestigador na posibleng dulot ng mental health issue.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“May tsismis daw regarding this person na napansin ng iba ang pakiramdam na raw niya na ‘pag nagkukuwentuhan, siya ang pinaguusapan. ‘Di po malinaw kung itong 2 ang gumawa ng tsismis o pinagtsitsismisan siya,” ayon kay Baguio City police chief Col. Allen Rae Co sa isang panayam sa radyo.

Nangako na ang PMA na babantayan ang mental na estado ng mga tauhan nito. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.