Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Namasyal sa Mystical Park muntik taniban

0 140

Mga ka-Misteryo kayo ba ay nabiktima na ng sanib o sapi ng mga elemento, Ispiritu at iba pang nilalang sa kabilang dimensyon?

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Si Mary ng Mandaluyong ay nagtapat sa Misteryo ng naging karanasan niya sa isang mystical park sa Quezon.

Habang naglalakad siya sa parke ay biglang naramdaman niya na para siyang inaantok at muntik saniban.

Misteryo: “Paano yung muntik ka ng saniban? Ano ba ang ginagawa mo ng sandaling yun sa parke na yun?”

Mary: “Bigla kasi akong inantok tapos naninigas ang dila ko parang may gustong magsalita. Nag-tour kami kasama ang iba pang spiritual people sa naturang park.”

Misteryo: “Sabi mo bigla ka inantok yun na ba yung sign na sasaniban ka na? Kilala mo ba kung anong entity yung sasanib sayo?”

Mary: “Hindi ko kilala kung sino siya pero mukhang taga-roon sa park, maybe nature spirit o kaya higher being kasi kilala yung lugar na mystical at maraming beses nang may channeling ng higher beings at meron ding extraterrestrial beings.”

Misteryo: “So meaning hindi pala ito pangkaraniwang sanib na ginagawa ng ibang medium na kayang magpasanib ng mga kaluluwa ng tao.”

Mary: “Malaki ang pagkakaiba kasi dun sa Ciudad Verdadero kapag nag-channel ang mga nilalang meron silang mahalagang mensahe sa tao.”

Misteryo: “I see yung Ciudad Verdadero pala yun. Well I confirm na noong nagpunta ako dyan may nagChannel sa akin na nilalang at nagbigay ng mensahe sa tao. May babala pa nga noon sa paglitaw ng matinding virus at ito nga ang covid-19. At first mahirap paniwalaan pero nangyari na nga itong pandemya kaya sakto ang mensahe. Pero Ikaw ba Wala pang experience sa sanib yung Ikaw nagpapasok ng nilalang sa katawan mo?”

Mary: “Yes first time sana pero hindi natuloy.”

Ngayong sa Sabado pag-usapan natin ang sanib sa Gabi ng Misteryo alas-10 ng gabi at may makakapanayam tayo na ordained priest na exorcist at spiritual healer.

Para sa inyong kuwentong karanasan ng hiwaga at kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.#

Leave A Reply

Your email address will not be published.