Abante Tonite Interactive

Namatay kami sa 4th qtr – Lowry

382

Maangas ang Toronto Raptors sa first 36 minutes ng Game 1 ng Eastern Conference finals, pagdating sa final 12 ay biglang nanlamig.

Lahat ng players ng Raptors na hindi nagngangalang Kyle Lowry, inalat sa fourth quarter, walang naipasok sa lahat ng binitawan sa field.

Sa kabilang dulo ng court, nakuha ng Milwaukee Bucks ang ritmo at bumalik para agawin ang 108-100 panalo.

Abante Hiring – IT dep

Nagsumite ng 31 points si Kawhi Leonard, may 30 si Lowry sa Toronto na abante pa 83-76 pagkatapos ng three.

“Fourth quarter killed us, 32-17,” bulalas ni Lowry. “They outplayed us in that fourth quarter. They got a little bit more aggressive. They made some big shots, made some big plays. It sucks when you lose like that.”
Overall ay 5 of 22 mula sa field sa final period ang Raptors – 5 of 7 si Lowry, lahat ng kanyang teammates ay 0 for 15.

Huling field goal ng Toronto maliban kay Lowry ang 3-pointer ni Pascal Siakam sa harap ni Giannis Antetokounmpo na tumapos sa third quarter. Si Siakam ang nagbaba, paglagpas sa midcourt – ilang hakbang pa bago ang 3-point line ay pinakawalan ang tira. ‘Yun na ang panghuli sa kanyang 15 points.

Ang pitong 3-pointers ni Lowry ay season-high niya, playoff career-high din at kapos ng isa sa kanyang career-high.

Naging 14th player sa NBA history si Leonard na umiskor ng 400 points sa first 13 games ng team niya sa postseason. May 413 total na siya sa playoffs.

Game 2 sa Sabado (araw sa Manila) sa Milwaukee. (VE)