Abante Tonite Interactive

Namatay na kabayo iniyakan ni Vice

0 539

Walang halong biro pero nakaka-relate raw si Vice Ganda sa mga kabayo.

Ito ang pag-amin niya pagkatapos niyang mapanood ang video ng naging kalunos-lunos na kapalaran ng mga kabayo sa isang maladisyertong bayan sa Batangas. Dala ito ng pagsabog at pag-aalburoto ng Taal volcano.

“Horses died in Taal. Walang halong joke sobra akong nalungkot. Di ko natapos yung video naiiyak ako,” aniya.

Sey pa niya, ang post daw niya ay hindi isang biro lalo pa’t madalas na naikukumpara ang hitsura niya sa kabayo.

Marami namang mga netizen ang naawa sa pagkamatay ng mga hayop sa naganap na kalamidad sa Taal at sa mga karatig-pook nito. (Archie Liao)