Abante Tonite Interactive

Namatay na katrabaho dumalaw

315

Mga ka-Misteryo totoo nga ang kasabihan na kung hindi mo nabisita o nasilip ang patay, ikaw ang dadalawin. Ganito ang nangyari kay Romulo ng Tondo.

‘Yan ang paksa natin ngayon: “Kapag may Misteryo, alamin natin ang totoo!”

Sa kuwentong karanasan ni Romulo, abala siya noon sa kanyang trabaho sa isang kompanya sa Pasay nang may biglang dumaan sa kanyang tabi pero nang lingunin niya ay wala siyang nakita.

Hindi niya pinansin sa akalang namamalikmata lamang siya kaya tuloy lang siya sa kanyang ginagawa.

Nang bigla siyang may malanghap na paba­ngo na kilala niya kung sino ang gumagamit noon, tinawag niya ang pangalan ng katrabaho. “Pre Francis ikaw ba ‘yan? Ang aga mo ah dapat mamaya ka pa sa shift mo.”

Pinakiramdaman ni Romulo at hinihintay niya ang sagot ni Francis, pero wala… walang sumagot.

Halos patapos na sa kanyang ginagawa si Romulo nang bigla niyang mapansin na may nakatayo sa gawing likuran niya, lumingon siya at nakita niya si Francis na nakatayo at nakatitig sa kanya.

Related Posts

Kaya kinausap niya ang ka-trabaho: “Sabi ko na nga ba andyan ka na eh, o bakit parang ang lungkot mo at tinatamad ka?”

Nasanay na kasi sila kay Francis na kalog at palatawa pagpasok niya sa trabaho. Kaya nagtataka si Romulo bakit ganu’n si Francis. Hanggang sa umalis ito.

Maya-maya isa pang ka-trabaho ang dumating at nagtanong si Romulo kung nakita niya si Francis. Nagtaka ang ka-trabaho niyang si Mike sabay tanong kay Romulo: “Hindi mo ba alam na nangibang bansa na si Francis?”
Romulo: “Hindi eh. Pero kaya pala hindi ko na din siya napapansin dito, Saka lagi ako nasa field kaya hindi ko alam.”

Mike: “Saka patay na si Francis pero hindi natin na­dalaw at walang dumalaw sa kanya nang dalhin ang bangkay sa Pilipinas mula Dubai.”

Nasindak si Romulo sa sinabi ni Mike sabay nagmamadaling umalis para kalmahin ang sarili at nalaman niya ang nangyari kay Francis.

Marami sa atin ang nagugulat na lang na namatay ang kaibigan o katrabaho at masaklap nito hindi man Lang napupuntahan ang lamay o puntod, pero tulad nang kasamihan ‘Kapag hindi ka nakadalaw, ikaw ang dadalawin na patay.”

Para sa mga kuwentong tunay na karanasang Misteryo, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.#