Abante Tonite Interactive

Namatay na preso sa Cavite, 22 na

400

Nahaharap sa kaukulang kaso ang isang sundalo makaraang masawi ang nabundol nitong 70-anyos na ginang noong Lunes nang umaga sa Pangasinan Road, Brgy. San Antonio, Cuyapo, Nueva Ecija.

Sa ulat sa tanggapan ni Police Colonel Leon Victor Rosete, nakilala ang sundalong nakabundol na si Pfc. John Robert Mercado Ramirez, 25, taga-Brgy. Paitan Norte, Cuyapo, Nueva Ecija.

Alas-9:15 nang umaga, patungong Norte ang sundalo at minamaneho ang motorsiklo nang biglang tumawid sa highway si Rosita Bactin Cuchiapin, residente ng Brgy. San Antonio, Cuyapo, Nueva Ecija.

Nabundol ng sundalo ang ginang na nagtamo ng mga sugat at kaniya itong dinala sa Guimba District Hospital.

Kinailangang mailipat ang biktima sa PJGMRC sa Cabanatuan City subali’t nadeklarang dead-on-arrival dakong alas-2:00 nang hapon. (Jojo De Guzman)