Abante Tonite Interactive

Namatay sa panaginip

608

Nanaginip po ako. Paggising ko daw po mula sa pagkakatulog, nakatayo na sa harap ko yung kapatid ko. Sabi nya “ate patay ka na”. Kaya natawa na lang daw ako. Sa isip-isip ko, ano kayang pinagsasabi nito? Pero sa totoo lang napaisip din ako. Katabi ko yung cp ko kaya sinubukan kong hawakan pero para lang akong hangin. Tinanong ko yung kapatid ko anong kinamatay ko, sabi nya “cardiac arrest”. Yung isa ko lang kapatid ang nakakakita sakin. Yung buong pamilya ko naririnig lang ako pero di raw nila ako nakikita.

Ang panaginip tungkol sa sarili mong pagkamatay ay hindi dapat katakutan. Hindi rin ito maituturing na pangi­tain o premonisyon. Sa halip ang iyong sari­ling pagkamatay sa iyong panaginip ay sumisimbolo sa transpormasyon, pagbabago, self-disco­very, transitional phase na maaaring may kinalaman din sa aspetong ispiritwal.

Kung ikaw ay lumipat ng school, may bagong trabaho, magpapakasal o nakipaghiwalay, mangingibang bayan o bansa, mas madalas magkaroon ng ganitong klaseng ­panaginip. At maikokonek ito sa dating buhay na iniwan mo kapalit ng magiging buhay mo ngayon. Ipinapakita nitong handa ka na sa pag-uumpisang muli at gusto mo na talagang magbago at iwan ang dating buhay.

Gayundin ang iyong panaginip ay puwedeng maikonek sa pagtatapos ng mga masamang bis­yo kung saan mas pinili mong magbago. At para sa iyo patay na ang da­ting ikaw sa halip ay isang bagong buhay ang nag-uumpisa. Ito naman ang pananaw mo sa iyong sa­rili at siyang naiwang kaisipan sa iyong subconscious.

Related Posts

Puwede ring maituring ang iyong ­panaginip bilang ‘wakeup call’ at isang paraan ng iyong isip para pukawin ang iyong atensyon na may ­kailangan kang gawing pagbabago.

Maari ring ikonek ang pagkamatay mo sa ­panaginip sa iyong paghahangad na matakasan ang kasalukuyan mong ­buhay na ­maaaring ­dahil sa mabigat na mga ­obligasyon o kaya naman ay para ­takasan ang isang masalimuot na ­pakikipagrelasyon.

Sa kabuuan, walang negatibong implikasyon ang iyong panaginip. Ituring itong isang pagpapaalala ng iyong subconscious na ang lahat sa buhay ay nagbabago at tulad ng isang kanta, bawat umpisa ay may katapusan. Kaya naman habang buhay tayo, samantalahin na ang pagkakataon para gawin ang makabubuti sa iyong sa­rili at sa iyong mga mahal sa buhay.

DISCLAIMER: Ang DREAM ­CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.