Abante Tonite Interactive

Namatayan ng asawa, haponesa tumalon sa condo

0 555

Dahil sa matindi umanong depresyon matapos pumanaw ang kanyang asawa, isang 29-anyos na Haponesa ang nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-28 na palapag ng isang condomi­nium kamakalawa nang gabi sa Makati City.

Sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa ulo at katawan ay nakaratay ngayon sa Makati Medical Center si Shira, ‘di tunay na pangalan, pansaman­talang nanunuluyan sa Mosiac Building sa Trassiera cor. Aguirre St., Makati.

Sa report ni P/Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, alas-8:55 ng gabi nang maganap ang insidente.

Lumalabas sa imbes­tigasyon batay na rin sa pahayag ng roommate ng biktima na kinilalang si Rado, 45, Japanese national, na sinasabing depresyon umano ang naging dahilan ng tangkang pagpapakamatay ng biktima dahil sa pa­ngungulila mula nang mabiyuda.

Nasa ika-28 palapag ng nabanggit na gusali ang biktima nang tuma­lon ito at bumagsak sa bahagi ng ika-24 na palapag.

Inimbita naman ng pulisya si Rado upang kuhanan ng pahayag at kung may foul play sa insidente. (Armida Rico)