Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Namayagpag! DPWH Region 1 umani ng parangal

0 68

Pinarangalan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 1 na nasa ilalim ng pamumuno ni Regional Director Ronnel M. Tan bilang “Top Performing Implementing Unit” ng naturang ahensya.

Inilarga ang pagkilala sa Unified Directors Meeting nitong Biyernes, Setyembre 10.

Umani ng papuri si Tan mula sa iba’t-ibang mga sektor lalo na kay DPWH Secretary Mark Villar.

Ayon sa kalihim, ang tagumpay ng DPWH Region 1 ay nagpapatunay ng dedikasyon sa serbisyo at galing sa pamamahala ng direktor kasama ang mga bumubuo ng nabanggit na lokal na tanggapan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Malugod namang tinanggap ni RD Tan ang parangal, kung saan personal nitong pinasalamatan ang lahat ng mga kasamahan na kanyang inilarawan bilang masisipag at maaagap sa pang-araw araw na mga suliranin ng lokal na tanggapan.

Batay sa inilabas na datos, nahigitan ng DPWH Region 1 ang target nitong 87% Absortive Capacity o ang tamang paglaan o paggamit ng budget sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act na nakalaan sa kagawaran, habang umabot naman ng 97% ang kabuuang performance rating nito.

Nanguna rin ang DPWH Region 1 sa wasto at mabilis na paglalaan ng pondo sa unang bahagi ng taong 2021.

Ang natanggap na parangal ng DPWH Region 1 ay magsisilbing inspirasyon sa lahat ng bumubuo ng Regional Office upang mas lalong gampanan ang kanilang mga tungkulin ng higit pa sa inaasahan sa kabila ng panganib dulot ng Covid-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.