Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Namayapang mister, bantay sarado si Kumander

0 288

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo kahit nasa kabilang buhay, todo-protektado pa rin ng mister ang kanyang kumander.

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Si Dulce ng Makati ay kamakailan lang nabiyuda nang mamayapa ang kanyang mister. Pero pakiramdam niya lagi pa rin niya kasama ang mister kahit saan siya magpunta.

Misteryo: “Kailan mo napansin na bantay-sarado sayo si mister mo kahit isa na siyang multo?”

Dulce: “Mula nang mamatay siya nararamdaman ko lagi ko siya kasama.”

Misteryo: “Teka noon bang namatay siya, nagpakita siya sayo?”

Dulce: “Oo nagpakita siya. Nakatulog ako noon sa sala namin nang pagmulat ng mata ko nakita ko siyang nakaupo sa tapat ko pagkatapos nilapitan niya ako at niyakap.”

Misteryo: “Hindi ka ba natakot nang yakapin ka?”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dulce: “Bakit naman ako matatakot Eh mister ko naman siya. Saka nung mapanaginipan ko siya nagsabi siyang hindi raw niya ako iiwan.”

Misteryo: “Pagkatapos nun ano pa mga karanasan mo na alam mong masama mo anc kaluluwa ng mister mo? May time ba na may gustong manligaw sayo at siya ang humarang?”

Dulce: “Oo meron hindi ko alam ang ginawa niya sa manliligaw ko pero isang araw hindi ko na nakita yung lalaki na pumuporma sa akin.”

Misteryo: “Ano pa yung karanasan mo na siya mister mo ang umaksyon?”

Dulce: “Noong isang araw paalis na sana ako pero parang ang bigat ng paa ko at parang hindi ako makaalis sa bahay. Mga ilang sandali narinig ko may nangyaring aksidente sa mismong hintayan ko ng masasakyan. Pag nakaalis siguro ako baka nadisgrasya din ako.”

Misteryo: “Lagi ba siya dumadalaw sa panaginip mo?” May mga sinasabi ba siya sayo pag napanaginipan mo siya?”

Dulce: “Oo palagi siyang nagpapakita lalu kapag may mabigat akong problema at nagsasabi kung ano gagawin ko. O kaya may bagay siyang itinuturo sa panaginip ko para bigyan ako ng clue kung ano solution sa problema ko.”

Misteryo: “Lagi mo naman ba siya pinagdarasal? Kung sakaling umakyat na siya sa langit at hindi mo na nakikita ok lang ba sayo?”

Dulce: “Oo naman kasi kailangan na rin niyang manahimik saka maganda na umakyat na siya sa langit kaya ko naman mabuhay.”

Ang karanasan ni Dulce ay maaari ding karanasan ng iba kaya pwede kayong mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at Abante.com.ph

Leave A Reply

Your email address will not be published.