Abante Tonite Interactive

Nambastos sa ‘Lupang Hinirang’, 34 Inaresto

1,123

Sa halip na mag-enjoy na pano­nood ng pelikula, sa kulungan ang bagsak ng 34-katao matapos hindi tumayo at magbigay-galang sa Pambansang Awit sa loob ng sinehan sa Lemery, Batangas kahapon.

Alas-dos ng hapon nang magsagawa ng operasyon ang mga pulis habang sinisimulan pa lamang ang pelikula sa isang sinehan doon.

Pasikretong kinunan ng mga pulis ng video ang hindi pagtayo ng mga tao na siyang naging batayan para dakpin ang mga ito.

Abante Hiring – IT dep

Ang operasyon ay tugon ng pulisya sa mahigpit na pagpapatupad ng bayan ng Lemery sa Section 38 at 39 ng Republic Act No. 8491 o ang “Flag and Heraldic Code of the Philippines”.

Nakasaad sa batas na ito ang pagbibigay ng karampatang parusa sa lahat ng hindi nagbibigay-pugay sa watawat at sa Pambansang Awit ng bansa.

Giit naman ng mga nahuling manonood, hindi nila alam na may pulis sa loob ng sinehan kaya’t hindi na sila tumayo habang inaawit ang “Lupang Hinirang”.

Nakatakdang kasuhan ngayong Huwebes ang 34 na nahuli.