Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nambatac bagong ‘pintor’ ni Gavina

0 39

Ginawa ng Elasto Painters ang instruction ni coach Chris Gavina, at kinubra ng Rain or Shine ang pangalawang sunod na panalo sa PBA Philippine Cup.

Kinubabawan ng Painters ang Blackwater 71-62 nitong Linggo sa Ynares Sports Arena sa Pasig, panundot sa manipis na 83-82 win sa NLEX sa opening day noong Biyernes.

Kontra Road Warriors ay nagsumite si Rey Nambatac ng 19 points, 6 rebounds. Bumida muli siya kontra Bossing sa kinamadang 21 points at 12 rebounds.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ikinumpara ni Gavina ang kanyang 27-year-old guard sa maaangas na take-charge guys sa NBA.

“When I talk to Rey, I keep telling him na he needs to take on that role for us, somewhat like Devin Booker for the Phoenix Suns or Jrue Holiday (ng Milwaukee Bucks) and he embraces it,” anang bagong coach na nasa unang conference bilang head mentor ng RoS.

Mula sa field ay 6 of 15 at 8 of 10 sa free throws si Nambatac. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.