Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nambatac laging nakahanda

0 50

Pinatunayan ni Rain or Shine combo guard Rey Nambatac ng Rain or Shine na laging siyang nakahanda anumang oras na kaailaanganin at para sa kapakanan ng Elasto Painters.

Sa laban ng RoS Linggo kontra San Miguel Beer sa PBA Philippine Cup elims, dineliber ng 27-taong-gulang at 5-11 ang taas na basketbolista ang game winning shot para sa kanyang koponan, 95-93.

“Whatever happens sa game, ready naman ako anytime. What’s really important for us players is dapat hindi mawala yung confidence mo, kasi games like that, malaking factor ang kumpiyansa para ma-execute ang play,” sey ng cager na kumana ng siyam na puntos at tatlong assists. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.