Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nambatac throwback sa ‘kabaliwan’

0 303

MULING ibinahagi ni Rain or Shine Elasto Painters shooting guard Rey Nambatac ang kanyang video na ipinost noong isang taon.

Sa video ay makikita na nag-eensayo ng shooting si Nambatac pero hindi sa court at hindi ring ang gamit nito.

Dahil nasa kasagsagan ng mahigpit na Enhanced Community Quarantine ang bansa noong Marso 2020, basket at medyas ang ginamit ng basketbolista.

Ani Nambatac sa kanyang post noong Marso 2020, “pwede na magtiyagaan to sino hahamon shooting dyan pustahan alcohol saka tissue QC area lang. Mga panahong baliw na dahil sa lockdown.” (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.