Abante Tonite Interactive

Nambatac tumugon kay Garcia

263

Naghanap ng go-to guy si coach Caloy Garcia, tumugon si Rey Nambatac.

Ibinaon ni Nambatac ang game-winning 3-pointer 4 seconds sa orasan at tinakasan ng Rain or Shine ang makulit na Blackwater 83-80 sa Game 1 ng PBA Commissioner’s Cup quarterfinals sa Mall of Asia Arena Sabado ng gabi.

‘Lucky win’ para kay Garcia, pero ngayon ay isang panalo na lang ang Elasto Painters para pumalaot sa semifinals. Game 2 ng best-of-three series sa Martes sa Smart Araneta Coliseum.

Ang 3 ni Carl Montgo-mery 1:27 sa laro ang nagsindi sa closing 11-0 run ng Rain or Shine. Tapos nito ay ninakawan ni Nambatac sa inbound si Allein Maliksi bago rumagasa ng layup, 80-77 Elite. Nagbaon ng sariling 3 si Gabe Norwood para ibuhol sa 80-80. (Vladi Eduarte)