Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nambibiktima ng OFW balik negosyo – BI

0 89

Buhay na naman umano muli ang mga human trafficker na nambibiktima ng mga Pilipinong gustong magtrabaho sa ibang bansa, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Ito’y kasunod na maharang ang dalawang Pinay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Pasakay na ang mga ito sa isang flight ng Philippine Airlines papuntang Dubai nitong Setyembre 1 nang mapigil sila at umaming pupunta sila sa ibang bansa upang magtrabaho pero pawang peke ang ipinakita nilang mga overseas employment certified.

“We are warning our kababayans not to fall prey to the nefarious activities of these syndicates who do not feel any remorse in preying on their poor countrymen amidst the continuing COVID-19 pandemic,” pahayag ni BI Commissioner Jaime Morente.

Aniya inatasan niya ang mga immigration officer sa paliparan na doblehin ang kanilang pagbabantay at pigilan ang pag-alis ng mga pasahero, base sa kanilang assessment, na maaaring maging biktima ng human trafficking at illegal recruitment.

Ang mga kababaihan ay dinala sa Inter-Agency Council Against Trafficking-NAIA Task Force para sa karagdagang pagsisiyasat. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.