Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nambitin: Janella humiling ng ‘respeto’ sa hiwalayan

0 112

Sa isang panayam, natanong si Janella Salvador tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng partner na si Markus Paterson.

Matagal na kasing napapabalitang hiwalay na ang showbiz couple.

Ani Janella, okey raw naman sila ng Pinoy-British actor.

Sey pa niya, aware raw naman sila sa mga espekulasyon na kumakalat na matagal na silang nag-break up.

Nakakaloka pa ang sinabi niyang bigyan daw sila ng sapat ng panahon na sagutin ang isyu tungkol sa nasabing kontrobersya .Ayon sa kibitzers, puwede namang deretsahang sagutin ng yes or no.

“I am aware of speculations that are going around. Siguro I’m asking people to give us more time, I-respect kung ano man ang nangyayari pero okay kami we’re totally okay,” ani Janella.

“Well siguro hindi na maiiwasan na people will talk. Pero ‘yun nga I hope people respect our privacy as of now and eventually naman kung ano man… respect our privacy muna but we’re okay,” dugtong nito.

Hirit pa niya, inspirado raw siya nowadays at ang kanyang unico hijong si Jude, anak niya kay Marcus, ang pinaghuhugutan ng kanyang inspirasyon.

Dahil sa pambibitin niyang ito, may ilang nagdadabog ang bangs na nagsasabing may katotohanan ngang hiwalay na ang dalawa o totoong may pinagdadaanan ang kanilang relasyon.

Tulad ng ibang showbiz couple na naghiwalay, marahil may co-parenting arrangement naman sila ni Markus pagdating kay Jude.

Leave A Reply

Your email address will not be published.