Abante Tonite Interactive

Nameless: Jane nakakatakot mag-Darna

799

ROMMEL PLACENTE: Kinukuwestyon ng iba ang pagkakapili kay Jane de Leon ng Star Cinema para gumanap na Darna sa pelikula. Wala raw dating si Jane.

Sana raw ang kinuha na lang ay ‘yung talagang kilala na. Baka raw kasi mag-suffer lang ito sa takilya kapag ipinalabas na dahil nga hindi sikat o hindi pa rin daw kilala ng publiko si Jane. Ang lahat daw ng gumanap na Darna noon ay pawang sikat gaya nina Vilma Santos, Nanette Medved, at Anjanette Abayari.

First time lang daw na may gaganap na Darna na isang nobody. Grabe naman ang panlalait ng detractors ni Jane sa kanya. Siguro inggit lang ang mga ito sa young actress dahil sa dami ng nag-audition para sa role na Darna ay siya ang napili. Siguro ‘yung ibang nanlalait kay Jane ay may kanya-kanyang manok pero hindi napili.

Sa pagkakaalam kasi namin ay may mga artista rin ng Star Magic na sikat kesa sa kanya ang nag-audition but unfortunately, hindi sila ang nakuha.

Well, kung si Jane ang napili ng Star Cinema for a Darna role ay dahil nakita nila sa dalaga na talagang bagay sa kanya. Hindi naman ipagkakatiwala kay Jane kung sa tingin nila ay hindi ito karapat-dapat sa role na Darna, ‘di ba?

Saka hindi naman mahalaga kung sikat o hindi si Jane. Sigurado naman na kikita ang movie dahil sabik na ang mga tao na muling makapanood ng isang “Darna” movie. Tiyak din na pagagandahin ito ng Star Cinema dahil kapag gumawa sila ng movie ay talagang de-kalidad.

RODEL FERNANDO: Hindi talaga mawawala ang malait si Jane dahil nga naman isang baguhan ang gaganap sa isang well-loved Pinoy superhero na Darna. Maski ako nagulat nang siya ang napili dahil marami pang mas deserving sa kanya.

Puwede kasi talagang hindi maging maganda ang kalabasan sa takilya kasi nga hindi popular ang bida. Iba pa rin ang may pangalan na makakatulong para panoorin ang pelikula. Nakakatatakot nga na kapag hindi tinangkilik ang launching movie niya ay katapusan na ng kanyang career.

Ganunpaman, dapat bigyan ng pagkakataon si Jane. Malay natin ay magustuhan siya ng publiko. Advise lang sa mga taong nasa likod ng “Darna” ay ngayon pa lang, bugbugan na sa promo para makilala nang husto ang dalaga. Sana magkaroon siya ng palabas sa TV na araw-araw para tumatak siya sa mga tao.

RONA RONDA: Panibagong eksperimento na naman ba na hindi sikat ang magiging Darna?

Mabigat na pressure ang nakapatong sa balikat ni Jane ngayon kaya dapat lang na itodo niya ang powers niya.

Hindi man in-expect ng lahat na siya ang mapipili, maaaring may nakita sa kanya kaya naging deserving siya sa role. Naku, kung ano man ‘yan ay sana mapantayan kahit hindi na mahigitan ang mga dating gumanap na Darna.

MILDRED BACUD: Next year pa ang showing ng “Darna” but as early as this ay marami ng bashers ang bagong Pinay heroine. Weeks ago ay nag-celebrate si Jane de Leon ng kanyang birthday sa “ASAP Natin ‘To” at may mga nag-bash na mataba raw siya. Dapat daw ngayon pa lang ay kondisyon ng seksi ito. Malamya rin daw itong magsayaw, malayo sa ibang artista ng Dos.

Too early pa naman to bash Jane. Agree ako ka-Cuatros Rommel na knowing ABS-CBN at Star Cinema, maaalagaan nila nang husto sa publicity si Jane. Sa Christmas Station ID nga ng Dos ay may maganda siyang exposure.

Obviously, binibigyan siya ng importansya. Sana nga lang talaga ay magustuhan siya ng publiko.