Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Namemeke ng medical clearance, travel pass tutugisin

0 54

Ipinag-utos ni Joint Task Force Covid Shield Commander Police Lt. General Guillermo Eleazar ang crackdown sa mga indibiduwal o grupo na sangkot sa pamemeke at pagbebenta ng medical clearance, certificate at iba pang travel authority.

Inatasan na ni Eleazar ang mga police commander na agarang sampahan ng kaukulang kaso ang mga mahuhuling namemeka ng mga travel document at siguruhing hindi na sila makakabalik pa sa kanilang iligal na gawain.

May mga nananamantala umano sa mga locally stranded individuals (LSI) na binibentahan ng mga pekeng dokumento para lang madali silang makauwi ng kani-kanilang mga probinsya na naglalagay sa panganib ng mga nakakasabay nila sa biyahe. Dagdag pa ng opisyal, “Like those who manufactured these fake documents, those who are using them must be punished for endangering public health.”

Nasa 46 katao na umano ang naaresto sa paggawa ng mga pekeng Inter-Agency task Force identification cards, IATF pass, travel authority, medical clearance certificate, at iba pang dokumento para sa community quarantine exemption. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.