Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Namemeke ng travel pass, swab result tiklo

0 70

Swak sa selda ang 40-anyos na babaeng gumagawa umano ng pagawaan ng pekeng dokumento sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng umaga.

Kinilala ng Manila Police District ang suspek na si Marilyn Balagtas na gumagawa ng pekeng mga dokumento gaya ng quarantine pass, travel authority pass, medical certificate, swab test, at rapid test result mula sa Manila Health Department.

Pasado-alas ng umaga nang sinalakay ng mga awtoridad ang lugar kung saan sinasagawa ng suspek ang pamemeke sa panulukan ng Sulu at Remigip Street. Nasamsam dito ang mga computer, printer, at iba’t ibang klaseng mga dokumento na iniimprenta ni Balagtas.

Ayon sa pulisya, natunton nila ang lugar matapos nilang masita ang isang lalaki na may bitbit na pekeng travel authority mula umano sa kanilang istasyon. Dito na itinuro ng lalaki kung saan siya nagpagawa ng pekeng dokumento sa halagang P300.

Nalaman na ang pagawaan ng mga pekeng dokumento ay dinarayo pa ng mga nagpapagawa mula sa iba’t ibang lugar.

Tinanggi naman ni Balagtas ang alegasyon at sinabi nito na pinapa-scan lang sa kanya ng mga customer ang mga dokumento at taga-imprenta lang siya.

Sinampahan naman ng kasong falsification and use of falsified document si Balagtas sa Manila Prosecutors Office. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.