Abante Tonite Interactive

NAMUMURO

By
11
Nadapa si Isa Molde, napaluhod si UP teammate Nicole Anne Tiamzon nang sabay nilang tangkaing ibalik sa NU ang bola. Kinapos ang Lady Maroons sa Lady Bulldogs 25-23, 25-23, 23-25, 26-24 sa opener ng Shakey’s V-League semis. (Jhay Jalbuna)
Nadapa si Isa Molde, napaluhod si UP teammate Nicole Anne Tiamzon nang sabay nilang tangkaing ibalik sa NU ang bola. Kinapos ang Lady Maroons sa Lady Bulldogs 25-23, 25-23, 23-25, 26-24 sa opener ng Shakey’s V-League semis. (Jhay Jalbuna)

Kumakaway na sa Finals ng Shakey’s V-League Collegiate Conference ang Ateneo Lady Eagles at National U Lady Bulldogs matapos ekisan ang opener ng kani-kanilang best-of-three semifinals series sa PhilSports Arena.

Unang dinagit ng Lady Eagles ang Far Eastern University Lady Tamaraws 25-14, 28-26, 25-22 ng hapon, kinagabihan ay ipinagpag ng Lady Bulldogs ang makulit na University of the Philippines Lady Maroons sa apat na sets 25-23, 25-23, 23-25, 26-24.

Abante Hiring – IT dep

Binalikat nina Jaja Santiago, Jorelle Singh at Aiko Urdas ang NU sa clutch para igapang ang panalo.

Parang walang kapaguran si Santiago, galing pa sa kampanya sa AVC Asian Women’s Club Championship para sa Foton Pilipinas pero tumapos pa rin ng 22 points. May 22 rin si Singh at 12 kay Urdas.

Nakabawi ang Ateneo matapos ang three-straight loss nila sa FEU sa quarterfinals ng mid-season conference sa ligang inisponsoran ng Shakey’s.

Maganda ang inilaro ng Loyola-based spikers sa kanilang return bout laban sa Lady Tams na naglaro ng wala si Bernadeth Pons na inabot ng left ankle injury sa left ankle habang nagwa-warm up sa kanilang laro.

Tumikada sina skipper Michelle Morente at Bea de Leon ng tig-13 hits, may 12 at 11 points sina Kim Gequillna at Ana Gopico para sa Lady Eagles.

“I gave it my best shot and we just did what we do in training,” saad ni Morante.

Bukas sa PhilSports Arena din ang Game 2 ng parehong serye ng torneo na suportado ng Mikasa at Accel.