Abante Tonite Interactive

Namumurong cabinet secretary nagpapabango kay PRRD

0 280

Napansin niyo ba mga pare at mare ang isang cabinet secretary na biglang napagkikita sa ilang shows ng tv networks na tila nasarapan at balak pa yatang bumili ng oras o programa sa tv para lang pumogi? Tsk tsk si Sir naman.

Ayon sa aking bubwit, mukhang naamoy ni cabinet secretary na balak na siyang sibakin ni pangulong Duterte kaya naisipan niyang magpabango sa pamamagitan ng paglabas-labas sa mag tv program sa pag-asang mapapansin ng appointing authority.

Ang ginagawa ni cabinet member, ayon sa aking bubwit, ay bumida sa tv shows ang magagandang nagawa umano ng kanyang departamento sa pag-asang magbago isip ng Presidente at hindi na ituloy ang balak nitong palitan siya ng dating general.

Sa dalas ni sir sa ilang programa sa tv kabilang sa GMA 7 at PTV 4 at sa show ni Daniel Razon ay balak pa yata ni cabinet member maging artista. Tsk, sir hindi po kayo artista public servant po kayo.

Ito pa petmalu mga pare at mare, sa laki ng binabayaran ng departamento ni cabinet member sa tv networks ay kumita pa siya ng komisyon. Ang balita ng aking bubwit, sa laki ng komisyon ni cabinet member ay mukhang nakabili ng bagong BMW ang isa niyang staff.

At para hindi mapagdudahan o maging usap-usapan sa departamento ay ipinaparada ng staff ni cabinet member ang BMW sa mall at hindi sa area ng kanilang opisina. Sir ibalik niyo kaya ng staff mo yun kinita nyong komisyon dahil ang perang ipinambayad naman sa shows ay pera ni Juan dela Cruz na pondo ng inyong ahensya. Tsk tsk.

Ang cabinet secretary na nagpapapogi sa paglabas sa tv shows sa pag-asang hindi siya sisibakin ni pangulong Digong at papalitan ng general ay Secretary P! Secretary Patawad Po.